MANILA, Philippines – Walang tsamba-tsamba sa larangan ng industriya ng online casino, kahit para sa mga lider kagaya ng Bloomberry Resorts Corporation (PSE: BLOOM). Ayon sa mga eksperto sa industriya, maaaring mahirapan ang Bloomberry, na pinamumunuan ng bilyonaryong si Enrique “Ricky” Razon, na humabol sa mga kakompetensya nito sa online gaming sapagka’t ang industriya ay hitik na sa dami ng mga karibal nito sa larangan.
Ang mga ulat na ito ay lumabas nang unang matapos ianunsyo ng operator ng Solaire Resorts and Casino ang soft launch ng online gaming platform nito na pinamagatang MegaFUNalo, na siyang inilikha ng Bloomberry upang makipagkompetensya sa kasalukuyang lider sa larangan ng online gaming na ang DigiPlus Interactive Corp, at gayun na din para sa mga rehistradong iGaming platform na tumatakbo sa bansa kagaya ng 20bet.
Sa pamamagitan ng mga social media channel nito, inanunsyo ng MegaFUNalo na ang website nito ay bukas at live na, at ito ay naghahandog ng iba’t-ibang laro at movie ng libre upang makapang-akit ng mga bagong manlalaro at tagapagtangkilik. Ang bawat bagong manlalaro ay pinamamahagingan ng 500 na free credits upang subukan ang mga laro sa platform, ngunit kinakailangan pa arin nilang magdeposito bago sila makapaglaro.
Bagaman mabuti itong balita para sa Bloomberry, ayon sa equity research analyst ng Unicapital Securities na si Jeri Alfonso, ay hindi agarang aakyat ang market share nito ng basta-basta. Aniya, “Gumugol ng 3 taon ang Digiplus upang palaguin ang user base nila mula 800,000 na aktibong user kada buwan noong 2022 hanggang 7.5 million sa unang trimestre ng 2025.”
Ayon naman kay Ron Acoba, chief investment strategist sa Trading Edge Consultancy, hawak ng Digiplus ang 50% ng kabuuan ng online gaming market sa Pilipinas, sapagka’t ito ang “first mover” o nauna sa merkado. Bagaman tiyak na magkakainteres ang mga tagapagtangkilik ng Digiplus na subukan ang mga bagong plataporma, hindi ito sapat upang bawasan ang market share nito sa industriya.
Inanunsyo ng Bloomberry ang paglunsad ng MegaFUNalo sa annual report nito noong taong 2024, kung saan sinabi nila na makikipagkompetensya ito diretso sa BingoPlus platform ng DigiPlus, na inilunsad noong taong 2022. Nagdulot ito ng pagtaas ng presyo ng stocks ng Bloomberry ng halos 30% sa simula ng taon, at 42% sa buwan, ayon sa datos mula sa pamilihan ng sapi ng Pilipinas.
Gayundin, hindi lang ito ang casino na sumasabak sa online gaming. Ang Alliance Global Group, sa pamamagitan ng Newport World Resorts Inc na pinangungunahan ni Andrew Tan, ay pinabubuti ang online system nito upang makapang-akit ng bagong mga user.
Ang Hann Holdings naman ay kinumpirma ang nais nitong paglago ng mga serbisyo nito mula sa pisikal na casino nito sa Clark patungo sa pag-invest sa online gaming platform.
Ang kahulugan ng pagpasok ng mga bagong manlalaro nito sa industriya, ani Acoba, ay ang pagiging “overcrowded” ng industriya, na maaaring magdulot ng mas striktong regulasyon para sa mga online casino.
Dagdag naman ni Alfonso, “Tuwing dumadami masyado ang mga new player sa isang sektor ng industriya, lalo na sa industriya ng pagsusugal na karaniwang tinitingnan bilang salot sa lipunan, karaniwang sinusundan ito ng pushback mula sa mga ahensya ng gobyerno.”
Gayundin, ani Alfonso, lumalakas ang suporta ng gobyerno ukol sa industriya ng pagsusugal. Pinagtitibay ito ng pagkilos ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na bawasan ang koleksyon nito sa e-bingo mula 30% patungong 25%.
Samakatuwid, ang tagumpay ng MegaFUNalo ay nakabatay sa pagsisikap ng Bloomberry na kumalap ng bagong mga kliyente. Maari itong tumagal ng iilang taon, ngunit maaari din itong mangyari kung mas madaming manlalaro ang pumili ng kanilang plataporma.
















